Monday, October 4, 2010

TAGAYTAY CAVITE


TAGAYTAY,
CAVITE


Pink Sister Church


 Ang Holy Adoration Sisters ay kilalang adoration chapel sa Tagaytay dahil maraming bilang ng mga pari, mga seminarista, mga madre, mga nanampalataya ng Blessed Sacrament sa buong bansa ay madalas pasukin ang lugar  na ito upang magdasal at sumamba sa panginoong Jesus.
 Ang lugar na ito ay tinawag na Pink Sister sa kadahilanang ang mga nagninilay na madre sa monastery at ang namumuno sa Adoration ng Blessed Sacrament sa simbahan, umaga at gabi, 24 oras ay nakasuot ng pink ang banal na kasuotan. Naging marka ang kanilang tawag na ito dahil sa naiiba ito sa madalas nakikita ng mga tao kaya naging popular ang simbahan ng Holy Spirit Adoration Sister.
 Kung may pagkakataon na mapasyal ka sa lugar ng Tagaytay, bisitahin ang napakaganda at napakainam na  simbahan ng Pink Sister.





Oras ng Misa
Pink Sister
Everyday
6:30 A.M. (English)
Sundays
7:30 A.M. (Tagalog) / 5:00 P.M. (English)






Ilan naman sa madadaanan kung papasok ka ng simbahan ay ang mga hili-hilera ng tindahan na maaaring mong bilihan ng mga pasalubong.


ang mahiwagang pasalubong



Lady of Manaoag Church ng Tagaytay



 Ang orihinal na tawag sa Lady of Manaoag ay Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Manaoag o Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag sa Ingles. Siya ay patrones ng  may sakit, sa mga hinang hina at sa mga nangangailangan. At karamihan sa mga may sakit na gumaling ay nagsasabing pinagaling sila ni Lady of Manaoag.

 Ang orihinal na imahe ng Lady of Manaoag ay sinasabing noong 16th century dinala sa Pilipinas ni Padre Juan de San Jacinto galling sa Espanya sa pamamagitan ng Acapulco. Ang simbahan ay pinamunuan ng Dominicano sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan na nakatayo sa Manaoag, Pangasinan. Ito ang isa sa mga madalas bisitahin sa buong Pilipinas, pero ang Tierra de Maria Chapel sa Tagaytay ay mayroon ng katulad ng simbahan nito, na maaaring dayuhin ng mga malalayo sa Pangasinan. Upang may pagkakataon ang mga tao sa malalayong lugar na manampalataya kay Lady of Manaoag.












Ang pagpapagaling na misa ay isinasagawa sa Tierra de Maria tuwing unang Sabado ng buwan, ang tradition na ito ay nagsimula noong taong 2004. Ang misa ay isinasagawa sa loob ng Inner Peace Healing Center sa pangunguna ng Spiritual Director of the Mama Mary Movement Foundation Inc., at ni Fr. Larry Faraon. Ang misa ay nagsisimula ng 3pm. At ang pagpapagaling na ritual ay sinisimulan pagkatapos ng misa sa pangunguna ng Spiritual Director  of the Mama Mary Movement Foundation, at ni Bro. Jiggers G. Alejandrino. Daan daan ang bumibisita sa Tagaytay tuwing unang Sabado upang mapagaling ang pisikal, emosyonal, ispritwal at financial na problema.


Isa sa kanilang dasal ang A.M.E.N. prayer. Isinasaad sa baba:
Almighty Father, I humbly pray as I beg for Your Love and Mercy. Lord forgive us our sins as I acknowledge that I am nothing without You because by Your Holy Cross, You have redeemed the world.
Mama Mary, intercede for us as I lift up to Your Son, Jesus my family, my loved ones, my friends, my enemies, my detractors. I lift up the souls of my loved ones as I ask them to pray for us. I lift up all the souls in purgatory. I lift up all the people I promised to pray for, especially those who are sick. I lift up my personal intentions as I believe in faith, He only has to say the Word and my wishes shall be granted.
Empower me with the gifts of the Holy Spirit. Guide me in all my thoughts, words and actions. Anoint me Lord, grant me the power and authority to do your will that everything be for your greater glory. In the Mighty Name of Jesus, I command Satan and all evil spirits to get out of our bodies because our bodies are the Temples of the Holy Spirit. In the Mighty Name of Jesus, I tie you Satan and I bind you and I throw you at the foot of the cross so that you will be forever vanquished from the face of the Earth. Yes Mama Mary, I ask you to step on the head of the serpent and forever crush him. This I ask in the Mighty Name of Jesus through the powerful intercession of Mama Mary.
Never forsake us Lord, as I ask you to shield us with Your most precious blood that flows from Your Sacred Heart. Mama Mary, I consecrate my family to your Immaculate Heart. Embrace us, cover me and my family with your motherly mantle of love and protection.
To get to Tierra de Maria from Sta. Rosa exit on the South Luzon Expressway, turn left after the Tagaytay public market, heading toward Tagaytay Highlands. Tierra de Maria will be on the right side of the Tagaytay-Calamba road right after the Japanese Garden but before you reach Picnic Grove.



No comments:

Post a Comment