INDANG,
CAVITE
Ang Indang ay nasa rehiyon IV – A CALABARZON sa lalawigan ng Cavite. Mayroon itong 36 na barangay. Ito ay may lawak na 104.90 km² (40.5 mi²). Ang Indang ay natatag bilang bayan nong 1655 nang ito ay nahiwalay sa bayang ng Silang. Ang pangalang Indang ay galing sa salitang Tagalog na “Indang” o “Inrang”. Ito ay klase ng puno na tumutubo sa Indang. Sa Barangay Limbon sa Indang naaresto si Andres Bonifacio pagkatapos matalo sa Konbesyon ng Tejeros at naharang ang pagpipilit sa paglaban sa plaong himagsikan para bumuo ng hiwalay na pamahalaan at sandatahan.
Ang Indang ay isa sa walong bayan sa Pilipinas na tinaguriang Coffee Capital of the Philippines. Mayaman rin sa kulturang agrikultural ang bayan ng Indang.
Maraming mamamayan na ang ikinabubuhay ay ang pagtitinda ng produktong agrikultural at itinitinda sa mga tabi ng daanan.
Makikita rin dito ang mga bahay na itinayo pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Sa plaza ng Indang karaniwang makikita ang mga mamamayang nagtitinda ng mga kakanin tulad ng panutsa at kalamay.
Ang pamahalaang bayang ng Indang noon at ngayon. Ang punong bayang ng Indang ay si Lope D. Tepora (Partido Magdalo) 1998-2007.
Ang simbahan ng Indang ay St. Gregory Church na kilala sa kulay nitong old rose na nakapinta sa kisama nito. Ang patron ng nasabing simbahan ay si San Gregorio Magno. Katulad ng ibang mga simbahan, ito ay mayroong mga gravestones sa dingding at mga arko. Ang altar nito ay may nakaukit para sa patron ng simbahan.
Sobrang ganda po talaga niyan promisee po! Sobrang gusto ko po talaga ng history
ReplyDelete