Monday, October 4, 2010

BACOOR, CAVITE

BACOOR
CAVITE

~CHURCHES~



Parokya ni San Miguel Arkanghel
Simbahang Katoliko
Bacoor, Cavite

Itinatag ang parokya sa bisa ng Royal Cedula noong ika-18 ng Enero 1752. Mula noon hanggang taong 1872, inilagay ang pangangasiwa ng parokya sa mga paring Pilipino. Naglingkod bilang kura paroko sa loob ng apatnapu’t walong taon si Fr. Mariano Gomez, isa sa tatlong paring martir ng bantog na GOMBURZA.

Noon taong 1872, ibinigay sa mga paring Agustino Recoleto ang pangangalaga ng parokya. Matapos ang mahabang panahon, muli itong ibinalik sa mga paring Pilipino.





~FOOD AND CULTURE~


Digman's Halo Halo

Ang Digman ay isang barangay na malapit sa bayan ng Bacoor. Isa sa pinakatanyag na pagkain dito ang Digman’s Halo Halo. Sa katunayan ay may dalawang tindahan sa barangay na ito na parehong nagsasabi na sila ang orihinal at ang unang nagbenta ng kilala at dinadayong halo halo. Ito ay ang BC2 Digman Original Halo Halo (Talk of the Town) at ang The Original Digman Halo-Halo and Home Made Siopao. Ang dalawang tindahang nabanggit ay parehong may kanya kanyang kuwento ng pagkakatanyag ng kanilang tindahan. Pareho rin ang mga sangkap at halos lahat ng binebenta sa sinabing kainan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ba talaga sa dalawa ang nauna. Kung sa lasa naman ng halo-halo ang pag-uusapan, iba’t ibang opinyon ang maririning mula sa mga tumatangkilik ditto. Pinagmamalaki ng dalawang kainan nito ang tinatawag na Sandosenang Halo ng kanilang halo halo: gulaman, saging, beans, halayang ube, garbanzos, monggo, leche flan, macapuno, sago, nata de coco, kaong, at pinipig kasama ng gatas. 



 ~ANCESTRAL HOUSES~



Bahay na Tisa (Cuenca's House)

Ang Bahay na Tisa ay tinuturing na unang Malacanang ng Pilipinas noong kapanahunan ni Aguinaldo. Ito ay pag-aari nina Juan Cuenca at Candida Chaves at ginawa noong 18 dantaon.  Sa bahay na ito nanatili si Gen. Aguinaldo pansamantala sa loob ng tatlong buwan at naging himpilan ng rebolusyonaryo bago pa man sila nagtungo ng Malolos. Sinasabi rin na sa lugar na ito nagsimula ang pagkilos para sa kalayaan dahil kung wala ang mga pangyayari sa Bacoor ay hindi magaganap ang Malolos Convention.
Sa lugar na ito rin pinlano ni Aguinaldo, kasama si Apolinario Mabini ang Konstitusyon. 
Maraming intrigang sumasalamin sa bahay na ito. Sinasabing mayroong tatlong malalalim na balon dito. Isa sa ikalawang palapag, ang isa naman ay patungo sa azotea at ang isa ay malapit sa puno ng santol. Mayroong mga labasan dito patungong parokya ng Bacoor, ilog ng Imus at maraming pang iba, na tanging mga Katipunero ang nakakaalam, para sa kanilang pagtakas kung sakaling sila ay biglaang atakihin.


No comments:

Post a Comment