CAVITE
Silang Cavite, ano nga ba ang meron sa bayan na ito? Ayon sa iba ang ibig sabihin daw ng Silang ay galing sa “Silanganan” dahil nasa bandang silangan nakalugar ang lugar na ito.Galing din daw ito sa isang tagalog word na “isinilang” o sa ingles ay “given birth to”. Ngayon naman ay hayaan niyong ipakita sa inyo ang ilan sa mga maipagmamalaki ng Silang. Una na rito ay ang Simbahan ng Nuestra Señora De Candelaria na aming napuntahan.
Sa kauna-unahanng pagkakataon ay nabisita naming ang tahanan ng Nuestra Señora De Candelaria sa Silang, Cavite,Sayang nga lang at sabado kami nakapunta kung kaya’t hindi kami nakadalong magkakaibigan sa misa dito. Sarado din ang pinakalugar kung saan ginaganap ang misa at ang tanging bukas lamang ay ang maliit na dasalan sa gilid, kung kaya’t doon na lamang kami nag-alay n gaming maikling panalangin, gayunpaman, nakita pa rin naming ang ganda ng loob ng simbahan. Kapansin-pansin at sadya namang nakakamangha ang istruktura ng simbahang ito, Sa loob man o sa labas . Ang mga santong nakalagay sa retablo ng altar ay sadyang kahanga-hanga. Sa aming pagtatanong-tanong ay napag-alaman naming Tuwing ika-dalawa ng pebrero ipinagdiriwang ang kaniyang kapistahan. Napag-alaman din namin na nalaman na ang mga nakalagay pala na imahe sa retablo ng altar ay ang mga misterio sa santo rosario.
Viva Nuestra Señora De
Candelaria!
Halos hindi naman nalalayo sa Simbahan ay ang munisipyo hindi pala halos kasi kadikit lang e , sa totoo lang talagang ang bayan ng Silang ang nagpapakita ng plaza complex kung saan may ayuntamiento (o sa medaling salita ay ang munisipyo) at ang iglesia (o ang simbahan) at sa paligid naman nito ay ang mga istruktura ng mangilan-ngilang bahay na mga makaluma pa din , Kung hindi niyo naitatanong itong mga pinagsasabi namin ay mga napag-aralan namin sa kasaysayan, isa sa mga kursong kinukuha namin.
Isang halimbawa ng mga lumang bahay sa Silang. |
At heto pa ang isa |
Ang huli namin’g nakuhanan ay itong malaking bahay kung saan ang ibaba ay ginawa ng mga tindahan, at pinaghilerahan pa ng mga tricycle.
At heto naman ang ilan sa mga larawan ng munisipyo ng silang:
Sadya naman talagang ang Silang ay isa sa mga maipagmamalaking bayan ng Cavite. Hindi man naming lahat naipakita at nasabi sa inyo ang lahat-lahat tungkol sa silang, marahil ay nagkaroon na kayo ng ideya na kung bibisitahin niyo ang Cavite, bakit hindi ninyo subukang daanan ang bayan ng Silang. Walang duda Dang Ganda ng Cavite. J
Ung unang luma na bahay ay jan nkatira dati ung friend ko kya nkapasok nako jan...mga antik ang gamit jan...kaso ngaun wla na...giniba na at tinayuan na ng baliwag letchon manok
ReplyDelete