Wednesday, October 6, 2010

DASMARIÑAS, CAVITE

DASMARIÑAS
CAVITE

Bahay na bato,  pinaghalong impluwensya ng katutubong  Filipino, Intsik at Espanyol. Ito ay pinaninirahan ng mga mayayaman o ang may mga kayang tao na mas kilala bilang Ilustrado. Ilan sa mga kilalang tao dito ay sina Marcelo H. del Pilar(1850-1896), Felix Resurreccion Hidalgo(1855–1913), Graciano Lopez  Jaena, (1856–1896), Antonio Luna (1866–1899), Juan Luna(1857–1899), Mariano Ponce (1863–1918),  at Jose Rizal(1861-1896).
          Ang  typical na bahay na bato, ay dalawang palapag na bahay na binubuo ng bato, adobe na ang unang palapag ay gawa sa sagay at bato ta ang ikalawang palapag ay gawa sa kahoy. Ito ay may malalaking bintana na gawa sa “CAPIZ shells” para makapasok ang sariwang hangin.
Ang isa sa pinakamagandang istraktura na Bahay na bato sa Cavite ay makikita sa Unibersidad ng De La Salle Dasmarinas,na pinagkakamalan na tirahan ng mga ligaw na multo . Mga batong daan na nagtutungo sa makalaumang bahay na nakabatay sa lumang arkitektura ng mga Espanyol.
Ang Museo De La Salle ay idinesenyo kahantulad ng ilang bahay na bato sa Pilipinas, bukod tangi rito ang Constantino house sa Balagtas, Bulacan; ang Arnedo-Gonzales house sa Sulipan, Apalit, Pampanga; at ang Santos-Joven-Panlilio house sa Bacolor, Pampanga. 


Dito sa DLSU – D makikita ang dalawang palapag na museo na kasalukuyang nakataguyod at nagbibigay halimbawa ng establishimiyento noong namumuno pa ang mga espanyol sa Pilipinas. Itinaguyod nina Br. Andrew Gonzalez na isa sa nagging presidente ng DLSU, ang museo ang nagsilbing educational gallery na nagpapaalala kung paano mabuhay ang mga illustrado sa ating bansa.Ang museong ito ay bukas para sa lahat ng gusto ma-explore­ ang museo at hindi limitado para lamang sa mga estudyante.



Iba’t-ibang koleksyon  ang matatagpuan sa loob ng museo, tulad ng mga antigong larawan, pulseras, gamit at palamuting nakabandera sa loob ng bahay na ipinagkaloob ng iba’t-ibang tao. Ilan sa mga taong ito ay sina:
·        Mr. Jose Ma. Ricardo A. Panlilio, pinag-apuhan ng Santos-Joven Panlilio family ng Bacolor, Pampanga;
·        Brother Andrew Gonzalez, FSC, ng Arnedo-Gonzales family mula Sulipan Apalit, Pampanga;
·        Ms. Marie Theresa Lammoglia-Virata,
·        Ms. Victorina Vizcarra Amaliñgan, ang D.M. Guevara Foundation Inc.,
·        Mr. Paulino and Ms Hetty Que,
·         and former National Commission for Culture and the Arts Chairman Jaime C. Laya
·        and the late international jeweler Fe Sarmiento - Panlilio.



Kasama ang kolaborasyon ng ibang museo sa Pilipinas, itinataguyod ng museo ang pagpapahalaga sa sining at kultura.





 Sa loob ng arched puerta mayor o paunang pintuan, na lagging handa para lamang sa  paglabas at pagtanggap ng panauhin.














Caida Ang foyer o caida (from the Spanish word "caer" meaning to drop or to let fall) ay ang traditional na kwartong pantaggap sa mga panauhin. Ang caida ay kwartong  ginagamit para sa pang-aaliw ng mga bisita sa mga ordinaryong pagkakataon, sa lawak ay maaring gamitin bilang kwartong panghapag kainan at kwartong pang-sayawan.


Ang Sala Mayor ay lugar para sa mga pagtitipon. Ang mga dekorasyon ay inimpluwensyahan ng maka-espanyol na ayuntamiento. Ang mga pader at kisame ay ipinintura ng tradisyunal na Spanish Victorian motif.



1 comment:

  1. Salamat sa karagdagang kaalaman,marami akong natotonan sa sinulat mo.sakit.info

    ReplyDelete