Monday, October 4, 2010

IMUS CAVITE




IMUS, 
CAVITE

Kabite, ito ay isa lamang sa mga probinsya na nagmarka noong panahon ng kastila. Tila nananalaytay ngang talaga ang dugong makabayan sa mga ugat nating mga Kabitenyo at isa na rito si Dating Pangulong Emilio Aguinaldo na walang sawang lumaban para sa kapakanan ng kanyang Inang Bayan lalung-lalo na para sa ikabubuti ng kanyang mga kababayan.

Isa sa mga lumang bahay sa Imus
Ang bayan ng Imus, na dating parte ng Cavite el Viejo (Kawit), ay isang magandang halimbawa ng pueblo makikita din dito ang isang plaza complex kung saan ang iglesia at pueblo ay magkalapit o magkatabi. Makikita din sa paligid nito ang mga ancestral houses na pinepreserba hanggang ngayon.


Ang diyosesis ng Imus, sa kabilang banda, ay itinatag bilang isang hiwalay na diyosesis mula sa arkdiyosesis ng Maynila. Ang Parish ng Ina ng mga haligi, ay matatagpuan sa Gen. Castaneda St, Brgy. Bayan Luma na nagsisilbing upuan ng mga diyosesis.
Munisipyo ng Imus
Ang DTI, ay gumawa ng isang programa na tinawag na OTOP – ONE TOWN, ONE PRODUCT – sa pamamagitan nito, at ng mga pinuno ng bawat lungsod ay pangungunahan nila ang pagkilala, pagbuo, at pagtataguyod ng isang tiyak na produkto o serbisyo, na may competitive advantage. Dahil dito ay hindi magpapahuli ang Imus sa mga masasarap na pagkain lalung-lalo na sa mga kakanin kung saan sila kilala. Dito matatagpuan ang pinakamasarap ng kakanin sa buong probinsya na sinusunod pa rin ang makalumang paraan ng pagluluto nito. Ginaganap taun-taon ang “KAKANINDAYOG” kung saan pumaparada ang iba’t ibang klase ng kakanin.

Imus Cathedral 

No comments:

Post a Comment