Monday, October 4, 2010

CARMONA, CAVITE

CARMONA
CAVITE

SORTEO FESTIVAL

Noong unang panahon, ang bayan ng Carmona ay isang baryong pang-misyonero ng bayan ng Silang. Baryo Latag kung ito’y tawagin dahil sa mga bulubundukin at mga palayang nasa paligid nito. Sa pag-laki ng populasyon ng baryong ito, hindi naglaon ito’y naging isang ganap na bayan noong Pebrero 20, 1857.

            Pagkalipas ng ikalawang digmaang pandaigdig, sinimulan na ng mga taga-Carmona ang pagsasa-ayos ng kanilang mga hanapbuhay. Dahil sa maganda ang lupain ng Carmona para sa pagsasaka, binibigyan ang mga magsasaka ng karapatang sakahin ang mga lupaing ito sa loob ng tatlong taon sa pamamagitan ng raffle o bunutan. Ang raffle na ito ay ang tinatawag na SORTEO. Ginagawa ito kada-tatlong taon hanggang ngayon. Ang mga lehitimong mamamayan lamang ng Carmona ang maaaring sumali dito. Hindi pa ito tinaguriang festival sa simula. Ito lamang ay naging isang ganap na festival noong taong 2004. Isang buong linggong selebrasyon ang Sorteo Festival.

            Bilang isang mamamayan ng Carmona, narasan ko ng makisama at maki-isa sa Festival na ito. Nitong nakaraang Sorteo 2010, na-feature ang Sorteo Festival sa ABS-CBN. Pumunta sa Carmona si Tita Winnie para sa pag-bubukas ng unang araw ng Festival. Sa unang araw din makikita ang napaka-makulay na parada at street dancing. Sa gabi naman ay mayroong Battle of the Bands na siyang pina-uunlakan ang mga talento ng kabataan sa pagkanta. Sa ikalawang araw naman matutunghayan ang Drum and Lyre Competition sa pagitan ng mga pampublikong paaralan sa bayan ng Carmona. Sa gabi naman maririnig ang mga nag-gagandahang boses ng mga kalahok sa Gintong Tinig Gintong Himig. Meron itong Bulilit Portion na binubuo ng mga batang kalahok na may edad 7-12 at Main Portion na kinabibilangan naman ng mga kalahok na may edad 13-35. Ang ikatlong araw naman ay para sa mga Gays and Lesbian. Nagkakaroon sila ng isang Basketball match, Gays Vs. Lesbians. Pagkatapos ng labanang ito ay siya namang dadating ang mga inimbitahang artistang lalaki para sa “Basketball of the Stars”. Kabilang sa mga artisitang naimbatahan taon ay sina Gerald Anderson at Rayver Cruz. Sa gabi naman ng ikatlong araw ng Sorteo ay ang inaabangan ng mga kalalakihan ng bayan ng Carmona, ang Coranation Night ng Binibining Sorteo. Matapos dumaan sa madami at mahirap na proseso ng eliminasyon ay kokoranahan sa gabing ito ang pinakamaganda at pinaka-magaling na babaeng kalahok bilang Binibining Sorteo. Ang mga sumunod na araw ay nakalaan para lamang sa mismong SORTEO o sa pagbubunot ng mga maswerteng lehitimong mamamayan ng Carmona para sa lupa. Hindi tinitigil ang pagbunot ng mga pangalan kahit madaling araw. Tuloy-tuloy ang pagbunot ng pangalan at pagbunot kung swerte. Kapag nakarinig ng isang tunog ng paputok ibig sabihin ay may naka-swerte.



BB Sorteo Coronation



Lyre and Drum Competition



Battle of the Bands

Sorteo Final Raffle


Sorteo Basketball


Sorteo Festival Day1


No comments:

Post a Comment