Wednesday, October 6, 2010

DASMARIÑAS, CAVITE

DASMARIÑAS
CAVITE

Bahay na bato,  pinaghalong impluwensya ng katutubong  Filipino, Intsik at Espanyol. Ito ay pinaninirahan ng mga mayayaman o ang may mga kayang tao na mas kilala bilang Ilustrado. Ilan sa mga kilalang tao dito ay sina Marcelo H. del Pilar(1850-1896), Felix Resurreccion Hidalgo(1855–1913), Graciano Lopez  Jaena, (1856–1896), Antonio Luna (1866–1899), Juan Luna(1857–1899), Mariano Ponce (1863–1918),  at Jose Rizal(1861-1896).
          Ang  typical na bahay na bato, ay dalawang palapag na bahay na binubuo ng bato, adobe na ang unang palapag ay gawa sa sagay at bato ta ang ikalawang palapag ay gawa sa kahoy. Ito ay may malalaking bintana na gawa sa “CAPIZ shells” para makapasok ang sariwang hangin.
Ang isa sa pinakamagandang istraktura na Bahay na bato sa Cavite ay makikita sa Unibersidad ng De La Salle Dasmarinas,na pinagkakamalan na tirahan ng mga ligaw na multo . Mga batong daan na nagtutungo sa makalaumang bahay na nakabatay sa lumang arkitektura ng mga Espanyol.
Ang Museo De La Salle ay idinesenyo kahantulad ng ilang bahay na bato sa Pilipinas, bukod tangi rito ang Constantino house sa Balagtas, Bulacan; ang Arnedo-Gonzales house sa Sulipan, Apalit, Pampanga; at ang Santos-Joven-Panlilio house sa Bacolor, Pampanga. 


Dito sa DLSU – D makikita ang dalawang palapag na museo na kasalukuyang nakataguyod at nagbibigay halimbawa ng establishimiyento noong namumuno pa ang mga espanyol sa Pilipinas. Itinaguyod nina Br. Andrew Gonzalez na isa sa nagging presidente ng DLSU, ang museo ang nagsilbing educational gallery na nagpapaalala kung paano mabuhay ang mga illustrado sa ating bansa.Ang museong ito ay bukas para sa lahat ng gusto ma-explore­ ang museo at hindi limitado para lamang sa mga estudyante.



Iba’t-ibang koleksyon  ang matatagpuan sa loob ng museo, tulad ng mga antigong larawan, pulseras, gamit at palamuting nakabandera sa loob ng bahay na ipinagkaloob ng iba’t-ibang tao. Ilan sa mga taong ito ay sina:
·        Mr. Jose Ma. Ricardo A. Panlilio, pinag-apuhan ng Santos-Joven Panlilio family ng Bacolor, Pampanga;
·        Brother Andrew Gonzalez, FSC, ng Arnedo-Gonzales family mula Sulipan Apalit, Pampanga;
·        Ms. Marie Theresa Lammoglia-Virata,
·        Ms. Victorina Vizcarra Amaliñgan, ang D.M. Guevara Foundation Inc.,
·        Mr. Paulino and Ms Hetty Que,
·         and former National Commission for Culture and the Arts Chairman Jaime C. Laya
·        and the late international jeweler Fe Sarmiento - Panlilio.



Kasama ang kolaborasyon ng ibang museo sa Pilipinas, itinataguyod ng museo ang pagpapahalaga sa sining at kultura.





 Sa loob ng arched puerta mayor o paunang pintuan, na lagging handa para lamang sa  paglabas at pagtanggap ng panauhin.














Caida Ang foyer o caida (from the Spanish word "caer" meaning to drop or to let fall) ay ang traditional na kwartong pantaggap sa mga panauhin. Ang caida ay kwartong  ginagamit para sa pang-aaliw ng mga bisita sa mga ordinaryong pagkakataon, sa lawak ay maaring gamitin bilang kwartong panghapag kainan at kwartong pang-sayawan.


Ang Sala Mayor ay lugar para sa mga pagtitipon. Ang mga dekorasyon ay inimpluwensyahan ng maka-espanyol na ayuntamiento. Ang mga pader at kisame ay ipinintura ng tradisyunal na Spanish Victorian motif.



Monday, October 4, 2010

CARMONA, CAVITE

CARMONA
CAVITE

SORTEO FESTIVAL

Noong unang panahon, ang bayan ng Carmona ay isang baryong pang-misyonero ng bayan ng Silang. Baryo Latag kung ito’y tawagin dahil sa mga bulubundukin at mga palayang nasa paligid nito. Sa pag-laki ng populasyon ng baryong ito, hindi naglaon ito’y naging isang ganap na bayan noong Pebrero 20, 1857.

            Pagkalipas ng ikalawang digmaang pandaigdig, sinimulan na ng mga taga-Carmona ang pagsasa-ayos ng kanilang mga hanapbuhay. Dahil sa maganda ang lupain ng Carmona para sa pagsasaka, binibigyan ang mga magsasaka ng karapatang sakahin ang mga lupaing ito sa loob ng tatlong taon sa pamamagitan ng raffle o bunutan. Ang raffle na ito ay ang tinatawag na SORTEO. Ginagawa ito kada-tatlong taon hanggang ngayon. Ang mga lehitimong mamamayan lamang ng Carmona ang maaaring sumali dito. Hindi pa ito tinaguriang festival sa simula. Ito lamang ay naging isang ganap na festival noong taong 2004. Isang buong linggong selebrasyon ang Sorteo Festival.

            Bilang isang mamamayan ng Carmona, narasan ko ng makisama at maki-isa sa Festival na ito. Nitong nakaraang Sorteo 2010, na-feature ang Sorteo Festival sa ABS-CBN. Pumunta sa Carmona si Tita Winnie para sa pag-bubukas ng unang araw ng Festival. Sa unang araw din makikita ang napaka-makulay na parada at street dancing. Sa gabi naman ay mayroong Battle of the Bands na siyang pina-uunlakan ang mga talento ng kabataan sa pagkanta. Sa ikalawang araw naman matutunghayan ang Drum and Lyre Competition sa pagitan ng mga pampublikong paaralan sa bayan ng Carmona. Sa gabi naman maririnig ang mga nag-gagandahang boses ng mga kalahok sa Gintong Tinig Gintong Himig. Meron itong Bulilit Portion na binubuo ng mga batang kalahok na may edad 7-12 at Main Portion na kinabibilangan naman ng mga kalahok na may edad 13-35. Ang ikatlong araw naman ay para sa mga Gays and Lesbian. Nagkakaroon sila ng isang Basketball match, Gays Vs. Lesbians. Pagkatapos ng labanang ito ay siya namang dadating ang mga inimbitahang artistang lalaki para sa “Basketball of the Stars”. Kabilang sa mga artisitang naimbatahan taon ay sina Gerald Anderson at Rayver Cruz. Sa gabi naman ng ikatlong araw ng Sorteo ay ang inaabangan ng mga kalalakihan ng bayan ng Carmona, ang Coranation Night ng Binibining Sorteo. Matapos dumaan sa madami at mahirap na proseso ng eliminasyon ay kokoranahan sa gabing ito ang pinakamaganda at pinaka-magaling na babaeng kalahok bilang Binibining Sorteo. Ang mga sumunod na araw ay nakalaan para lamang sa mismong SORTEO o sa pagbubunot ng mga maswerteng lehitimong mamamayan ng Carmona para sa lupa. Hindi tinitigil ang pagbunot ng mga pangalan kahit madaling araw. Tuloy-tuloy ang pagbunot ng pangalan at pagbunot kung swerte. Kapag nakarinig ng isang tunog ng paputok ibig sabihin ay may naka-swerte.



BB Sorteo Coronation



Lyre and Drum Competition



Battle of the Bands

Sorteo Final Raffle


Sorteo Basketball


Sorteo Festival Day1


ROSARIO, CAVITE

ROSARIO
CAVITE

~FESTIVALS~

nakakatuwang makapanuod ng “Caracol” mula sa Rosario Cavite dahil ito ay kakaiba. Ito ay ginanap sa dagat kung saan makikita natin na maraming tao ang naglalakad sa mababaw na parte nito habang hawak ang kanilang santo. Ibang klase ito kaya masasabi natin na napakaganda ng istilo nila.








    Damang dama ang himagsik sa pagtuntong pa lamang sa “TEJEROS CONVENTION CENTER” ditto nagtipon ang mga katipunero noon para sahimagsikan. Napakaganda ng pagkakapreserve sa lugar na ito at parang bagong tayong bahay lamang.










Makikita ang mga masiyahing tao sa Rosario lalo na sa town PLAZA nila, napakapresko sa Rosario Cavite at parang ang pakiramdam ay probinsiyang probinsiya lamang.
















MUNISIPYO



Kapapansin pansin sa Rosario na ang mga estblisimyento ay halos kulay green, simula sa town plaza, sa entrance ng Rosario at dito sa munisipyo nila.







INDANG, CAVITE

INDANG
CAVITE


     Ang Indang ay nasa rehiyon IV – A CALABARZON sa lalawigan ng Cavite. Mayroon itong 36 na barangay. Ito ay may lawak na 104.90 km² (40.5 mi²). Ang Indang ay natatag bilang bayan nong 1655 nang ito ay nahiwalay sa bayang ng Silang. Ang pangalang Indang ay galing sa salitang Tagalog na “Indang” o “Inrang”. Ito ay klase ng puno na tumutubo sa Indang. Sa Barangay Limbon sa Indang naaresto si Andres Bonifacio pagkatapos matalo sa Konbesyon ng Tejeros at naharang ang pagpipilit sa paglaban sa plaong himagsikan para bumuo ng hiwalay na pamahalaan at sandatahan.



Ang Indang ay isa sa walong bayan sa Pilipinas na tinaguriang Coffee Capital of the Philippines. Mayaman rin sa kulturang agrikultural ang bayan ng Indang.



 Maraming mamamayan na ang ikinabubuhay ay ang pagtitinda ng produktong agrikultural at itinitinda sa mga tabi ng daanan.



 Makikita rin dito ang mga bahay na itinayo pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.


 Sa plaza ng Indang karaniwang makikita ang mga mamamayang nagtitinda ng mga kakanin tulad ng panutsa at kalamay.


 Ang pamahalaang bayang ng Indang noon at ngayon. Ang punong bayang ng Indang ay si Lope D. Tepora (Partido Magdalo) 1998-2007.



 ~CHURCHES~



Ang simbahan ng Indang ay St. Gregory Church na kilala sa kulay nitong old rose na nakapinta sa kisama nito. Ang patron ng nasabing simbahan ay si San Gregorio Magno. Katulad ng ibang mga simbahan, ito ay mayroong mga gravestones sa dingding at mga arko. Ang altar nito ay may nakaukit para sa patron ng simbahan. 


CAVITE CITY, CAVITE

CAVITE CITY
CAVITE


~ANCESTRAL HOUSES~

 Roxas’s Residence


Manuel Rojas’s is the owner of the house. He was the father of cavite. This house is located at Cavite, City


~CHURCHES~


 San Roque Church


Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga, also called "Reina de Cavite" and "La Virgen de la Soledad", is the patroness of Cavite City. The Blessed Virgin Mary is depicted as Our Lady of Sorrows. Mary, garbed in black and white attire, seems to be on her knees as she contemplates the Passion of Her Son, Jesus. Before her are the crown of thorns and the nails, the instrument of Christ's Crucifixion. The relic is said to have been discovered, beached on the shores between the old Puerto Vaga in Cavite City and Barrio San Roque during the 18th century. The painting, presently set in precious gems, is also known as the "Virgin of a Thousand Miracles" because of many miracles granted to the faithful devotees from the day of its discovery to the present.



~FESTIVALS~



REGADA FESTIVAL – The Annual Cavite Water Festival





KAWIT, CAVITE

KAWIT,
 CAVITE

~ANCESTRAL HOUSES~






  
AGUINALDO SHRINE

Ang tanyag na Aguinaldo Shrine na kung saan unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas bilang simbolo ng kalayaan.

Festivals
Tapusan sa Kawit
            Ginaganap kada ikaw 30 ng Mayo, sa prosesyon na ito ay makikita ang mga nag-gagandahang floats na balot sa bulaklak. Binibigyang pangaral sa pyestang ito ang Birheng Maria. Kaya naman, sa prosesyon na ito ay hindi mawawala ang mga magagandang dalaga ng Cavite na sumisimbolo sa kadalisayan ng Birheng Maria.




~CHURCHES~

ST. MARY MAGDALENE CHURCH


Isa sa mga pinakamatatandang simbahan sa Pilipinas. Unang itinayo noong 1638 na yari sa kahoy. Sa simbahang din ito bininyagan ang unang pangulo ng Pilipinas na si Gen. Emilo Aguinaldo.





BACOOR, CAVITE

BACOOR
CAVITE

~CHURCHES~



Parokya ni San Miguel Arkanghel
Simbahang Katoliko
Bacoor, Cavite

Itinatag ang parokya sa bisa ng Royal Cedula noong ika-18 ng Enero 1752. Mula noon hanggang taong 1872, inilagay ang pangangasiwa ng parokya sa mga paring Pilipino. Naglingkod bilang kura paroko sa loob ng apatnapu’t walong taon si Fr. Mariano Gomez, isa sa tatlong paring martir ng bantog na GOMBURZA.

Noon taong 1872, ibinigay sa mga paring Agustino Recoleto ang pangangalaga ng parokya. Matapos ang mahabang panahon, muli itong ibinalik sa mga paring Pilipino.





~FOOD AND CULTURE~


Digman's Halo Halo

Ang Digman ay isang barangay na malapit sa bayan ng Bacoor. Isa sa pinakatanyag na pagkain dito ang Digman’s Halo Halo. Sa katunayan ay may dalawang tindahan sa barangay na ito na parehong nagsasabi na sila ang orihinal at ang unang nagbenta ng kilala at dinadayong halo halo. Ito ay ang BC2 Digman Original Halo Halo (Talk of the Town) at ang The Original Digman Halo-Halo and Home Made Siopao. Ang dalawang tindahang nabanggit ay parehong may kanya kanyang kuwento ng pagkakatanyag ng kanilang tindahan. Pareho rin ang mga sangkap at halos lahat ng binebenta sa sinabing kainan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ba talaga sa dalawa ang nauna. Kung sa lasa naman ng halo-halo ang pag-uusapan, iba’t ibang opinyon ang maririning mula sa mga tumatangkilik ditto. Pinagmamalaki ng dalawang kainan nito ang tinatawag na Sandosenang Halo ng kanilang halo halo: gulaman, saging, beans, halayang ube, garbanzos, monggo, leche flan, macapuno, sago, nata de coco, kaong, at pinipig kasama ng gatas. 



 ~ANCESTRAL HOUSES~



Bahay na Tisa (Cuenca's House)

Ang Bahay na Tisa ay tinuturing na unang Malacanang ng Pilipinas noong kapanahunan ni Aguinaldo. Ito ay pag-aari nina Juan Cuenca at Candida Chaves at ginawa noong 18 dantaon.  Sa bahay na ito nanatili si Gen. Aguinaldo pansamantala sa loob ng tatlong buwan at naging himpilan ng rebolusyonaryo bago pa man sila nagtungo ng Malolos. Sinasabi rin na sa lugar na ito nagsimula ang pagkilos para sa kalayaan dahil kung wala ang mga pangyayari sa Bacoor ay hindi magaganap ang Malolos Convention.
Sa lugar na ito rin pinlano ni Aguinaldo, kasama si Apolinario Mabini ang Konstitusyon. 
Maraming intrigang sumasalamin sa bahay na ito. Sinasabing mayroong tatlong malalalim na balon dito. Isa sa ikalawang palapag, ang isa naman ay patungo sa azotea at ang isa ay malapit sa puno ng santol. Mayroong mga labasan dito patungong parokya ng Bacoor, ilog ng Imus at maraming pang iba, na tanging mga Katipunero ang nakakaalam, para sa kanilang pagtakas kung sakaling sila ay biglaang atakihin.